QCPD, walang nasasagap na banta sa seguridad ngayong pagsalubong sa Bagong Taon

15

Walang nasasagap na banta sa seguridad ang Quezon City Police District (QCPD) sa pagsalubong sa Bagong Taon.

Gayunman, iniutos ni QCPD Director Police Brigadier General Antonio Yarra ang mas maigting na presensya ng pulisya laluna sa mga matataong lugar.

Aminado si Yarra na hindi pa tapos ang selebrasyon ng karamihan kaya asahan pa rin ang paglabas ng mga tao.


Hihigpitan din ng QCPD ang pag-iinspeksyon sa mga pampublikong lugar at pampublikong sakayan para maiwasan ang anumang insedente ng karahasan at iba pang uri ng kriminalidad sa lungsod ng Quezon.

Paalala ng QCPD chief sa publiko, huwag maging kampante at manatiling mapagmasid sa kapaligiran at iulat ang mga hindi kanais-nais na pangyayari sa kanilang mga pinupuntahang lugar.

Facebook Comments