Umabot na sa higit P105 milyong piso ang naitalang pinsala ng Bagyong Vicky sa CARAGA Region.
Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council, P105,400,000 na ang naging pinsala ng bagyo sa sektor ng imprastraktura.
Kasunod nito, nasa 6,702 katao o 1,950 pamilya naman mula sa 57 barangays sa Davao at CARAGA Region ang apektado ng pananalasa ng bagyo.
Sa nasabing bilang, 5,464 indibidwal o 1,328 pamilya ang nananatili sa evacuation centers habang ang natitirang 54 pamilya ay pansamantalang naghanap ng ibang matutuluyan.
Samantala. nasa anim na road sections at isang tulay rin sa Eastern Visayas at Davao Region ang napinsala dahil sa pagbaha, landslide, pag-guho ng lupa at mga bumagsak na poste.
Facebook Comments