QR CODE NA NAIS BUMISITA SA SEMENTERYO NGAYONG UNDAS SANCARLOS CITY, IPAIIRAL SA HINDI RESIDENTE NG LUNGSOD

Iiral sa lungsod ng San Carlos ang scheduling sa kada barangay sa pagbisita sa sementeryo kung saan ang OPERATING HOURS ay magsisimula tuwing alas-6 ng umaga hanggang alas-6 ng hapon mula October 27-29 at November 3-5 lamang.
Ang lahat ng ENTRY GATES ay magsasara eksaktong alas-6 ng hapon. Samantala, ang lahat naman ng GATES sa sementeryo ay isasara ng 6:30 ng hapon.
Ang bawat bibisita ay may isang oras upang manatili sa loob ng sementeryo. Ang STUB ng bisita ay mamomonitor ang haba ng kanilang pananatili sa loob ng sementeryo ng mga nakatalagang staff at assigned force-multipliers.
Pinapayagan ang “Kantores” sa loob ng sementeryo subalit ipinagbabawal naman ang mga Group Vigils, Banda at iba pang may kaugnayan sa group performance.
Ang mga residente ng San Carlos City na bibisita sa kanilang nakatalagang schedule ay kinakailangan ng Valid ID na may proof of residency at kung sakali na walang ID ay maaaring gamitin ang Barangay Certification/Clearance bilang alternatibo
Sa oras na maberepika ang pagkakakilanlan at schedule, ang officer in charge sa ENTRY GATE ay mag-iissue ng VISITOR STUB na naglalaman ng kanilang impormasyon at oras ng pagpasok.
Ang mga HINDI naman residente na nagnanais bumisita ay nangangailangan ng QR CODE na imprenta sa papel o naka save sa mga cellphones na ipapakita sa GATE upang makapasok sa sementeryo.
Ang lahat ng QR CODE ay makukuha online at magpapadala lamang ng mensahe sa facebook page ng Travel Documents – San Carlos City Pangasinan at limitado lamang sa 200 katao na hindi residente ng San Carlos ang papayagang papasukin kada araw.

Facebook Comments