Quad Committee, binantaang ipapaaresto si dating PSCO GM Garma kung hindi sisipot sa pagdinig ukol sa EJK, POGO at illegal drugs

Magpapatuloy ngayong umaga ang ika-apat na pagdinig ng binuong Quad Committee ng Kamara na nag-iimbestiga sa Extra Judicial Killings (EJK) sa ilalim ng war on drugs, operasyon ng iligal na droga, at iligal na operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators o POGO.

Kaugnay nito ay nagbanta ang Quad Committee na ipapa-contempt at ipaaresto si dating Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager Royina Garma kung hindi ito sisipot sa pagdinig.

Ayon kay Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers, na siyang lead chairman ng Quad Committee, naglabas na ng subpoena laban kay Garma na isa ring retiradong opisyal ng Pilippine National Police (PNP).


Si Garma ay iniuugnay ng ilang testigong humarap sa komite sa pagpaslang sa tatlong Chinese Drug Lords na sina Chu Kin Tung, Jackson Li, at Wong; habang nakakulong ang mga ito sa Davao Prison and Penal Farm noong 2016.

Diin ni Barbers, mahalaga ang pagdalo sa pagdinig at magiging testimonya ni Garma upang magbigay linaw at maidepensa ang sarili sa alegasyon na ginamit umano nito ang kanyang posisyon sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) kaugnay sa pagplano sa mga pagpatay para ipinatupad na war on drugs campaign ng administrasyong Duterte.

Facebook Comments