Quad Committee, buo ang suporta sa pagditine kay Alice Guo sa Pasig City Jail

Lubos ang pagsang-ayon ng House Quad Committee sa utos ng Pasig City Regional Trial Court (RTC) Branch 167 na ilipat sa Pasig City Jail si dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo kaugnay sa kaso nitong qualified human trafficking.

Sabi ni House Committee on Public Order and Safety Chairman at Sta. Rosa, Laguna Representative Dan Fernandez, ang utas ng Pasig RTC ay umaayon sa kanilang layunin na alisin sa Philippine National Police (PNP) custodial center si Guo para maiwasan na ito ay mabigyan ng espesyal na pagtrato.

Magugunitang sa ika-anim na pagdinig ng Quad Committee ukol sa iligal na operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators o POGO ay pinatawan ng contempt si Guo dahil sa tingin ng mga kongresista, ito ay nagsisinungaling.


Kaakibat ng contempt ay sumulat ang Quad Committee sa Valenzuela RTC na siyang may hawak ng graft case ni Guo at hiniling na mailipat ito sa detention facility ng Kamara.

Pero ayon kay Fernandez, dahil nasa regular na kulungan na ngayon si Guo ay maaring hindi na ituloy ng Quad Committee ang paghingi sa kustodiya nito.

Facebook Comments