Quad Committee hearing ngayong araw, kinansela para matutukan ng mga miyembro ang pagtulong sa mga biktima ng Bagyong Kristine

9th Quad Committee Hearing

Pagtutuunan ng mga miyembro ng House Quad Committee ang pagtulong sa mga biktima ng Bagyong Kristine sa kanilang mga distrito.

Ayon kay Quad Committee Overall Chairman at Surigao Del Norte 2nd District Representative Robert Ace Barbers, ito ang dahilan kaya kinansela ang sana ay ika-sampung pagdinig ngayong araw ukol sa extra judicial killings, ilegal na droga at Philippine Offshore and Gaming Operators (POGO).

Kaugnay nito ay binigyang diin ni Barbers ang kahalagahan ng whole-of-nation approach para malampasan ang krisis na hatid ng pananalasa ng Bagyong Kristine.


Sabi ni Barbers, hindi ito ang tamang panahon para magkawatak-watak tayo dahil kailangan ng pagkakaisa para matiyak na maibibigay ang tulong sa mga biktima ng kalamidad.

Tiniyak naman ni Barbers na agad nilang itutuloy ang mga pagdinig kapag naging maayos na ang sitwasyon at matagumpay nang naisagawa ang mga relief operation.

Facebook Comments