Pinarerepaso ni Senior Citizens Partylist Rep. Rodolfo Ordanes ang qualifications para sa mga indigent senior citizens.
Pangunahing kinalampag ng kinatawan ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR), Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of the Interior and Local Government (DILG) at Department of Health (DOH).
Layunin ng pagrepaso ng qualifications sa mga ituturing na indigent senior citizens ay upang mas maraming nakatatanda ang maka-avail ng government charity social services ay dapat babaan ang indigent qualification ceiling.
Maaari aniya na ipantay ito sa minimum wage rate o kaya sa non-taxable income rate.
Dahil aniya sa patuloy na pagtaas sa presyo ng bilihin at serbisyo, nawawalan na rin ng purchasing power ang mga kabilang sa minimum wage rate.
Hindi na rin naman aniya kakailanganin ng panibagong batas para repasuhin ang indigency standards at qualifications.