QUALIFIED THEFT | Kris Aquino, pormal na nagsampa ng reklamo

592

Manila, Philippines – Ilang linggo matapos i-anunsyo ni Queen of All Media Kris Aquino na inabuso siya ng kaniyang business partners, pormal na itong naghain ng reklamo sa pitong lungsod.

Sa kaniyang instagram account, sinabi ni Kris na qualified theft ang isinampa niyang kaso sa Quezon City Office of the Prosecutors laban sa kaniyang kasosyo sa negosyo na hindi muna niya pinangalanan.

Habang ang kaniyang legal team naman ang nagsampa ng reklamo sa San Juan City, Mandaluyong, Pasig, Makati, Taguig at Maynila.

Ayon kay Kris, maswerte pa rin siya dahil makalipas ang 16 na buwan ay nalaman niya agad ang pang-aabusong pinansyal ng kaniyang business partner at hindi na ito tumagal at lumala pa.

Sinabi rin ni Kris na naniniwala siya sa hustiya sa bansa at umaasa rin ito na matatapos na mapayapa ang kaniyang laban.

Facebook Comments