Iginiit ni Vice President Leni Robredo na mahalagang matutukan ng gobyerno ang kalusugan lalo na ng mga mahihirap.
Ayon kay Robredo, isang “silent crisis” ang Public Health.
Aniya, marami pa ring malalayong komunidad sa bansa ang wala pa ring access sa quality at affordable Healthcare.
Punto pa ng Bise Presidente, nagiging ‘overcrowded’ ang mga Government Health Facilities habang ang mga Barangay ay walang maayos na kagamitan at kulang ang tauhan para sa kanilang Health Centers, Health Clinics, at Ambulansya.
Marami ring bata ang hindi nababakunahan.
Sinabi ni Robredo na kailangan nang magkaroon ng reporma sa kalusugan at maghanap ng mabisang paraan para maihatid ang Health Services sa lahat ng mga Pilipino.
Dapat ding maging socialized ang mga pondong inilalaan sa kalusugan.
Gayumpaman, maraming trabaho pa ang kailangang gawin kahit ganap nang batas ang Universal Health Care Act.