Quality control, dahilan kaya nagkakaroon ng delay sa vaccine distribution – Malacañang

Nilinaw ni Presidential Spokesperson Harry Roque na ang quality control ang dahilan ng pagkaantala ng pamamahagi ng bakuna kontra COVID-19.

Paliwanag ni Roque, kinakailangan pa kasi ang pagproseso sa certificate of analysis ng mga bakuna.

Aniya, pinag-aaralan din kung parehas ng quality ang ibang bakuna dumating sa bansa.


Una nang dumating si Manila Mayor Isko Moreno sa mabagal na pagdating ng bakuna sa lungsod na isa sa mga prayoridad ng pagbabakuna dahil sa mataas na kaso ng COVID.

Ayon kay Moreno, hindi pa natatanggap ng lungsod ang alokasyon mula sa dalawang milyong AstraZeneca at 193,050 dose ng Pfizer.

Facebook Comments