Pinaigting ng Pangasinan ang quarantine checkpoint na ipinatutupad ng Pangasinan Police Office sa buong lalawigan matapos ang pagkamatay ng ilang baboy sa Luzon. Hinarang ng ahensya ang isang elf truck sa bayan ng Pozorrubio na kung saan naglalaman ng mga buhay na baboy na galing ng Tarlac at nakatakdang ideliver sa lungsod ng Baguio kung kaya’t itinurn over sa Provincial Veterinary.
Sa panayam ng iFM Dagupan kay Alma Cruz, PIO ng Pangasinan Police Office, walong quarantine checkpoint ang itinalaga sa buong Pangasinan, ito ay sa Infanta, Mangatarem, Bayambang, Rosales, Umingan, San Fabian at Sison.
Ito ay 24 oras na ipinatutupad sa mga nasabing bayan dahil ito ay entry at exit point ng maaring daanan ng swine. Paalala ng PNP Pangasinan,kung napapansin ng apektado ang nga alagang hayop ng ASF agad na ipagbigay alam sa Provincial Veterinary Office upang wala ng mapahamak pa.