Quarantine classification ng bansa, iaanunsyo mamaya ni PRRD

Iaanunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang bagong community quarantine na iiral sa National Capital Region o NCR Plus areas at iba pang lugar sa bansa, para sa June 16 hanggang katapusan ng buwang kasalukuyan.

Ayon kay Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque, bago ang “Talk to the People” ng pangulo mamayang gabi, magkakaroon muna ng pulong ang mga miyembro ng Inter-Agency Task Force o IATF, upang talakayin ang kanilang pinal na rekomendasyon sa pangulo.

Sinabi ni Roque, bagama’t maganda ang ipinapakitang pagbaba sa mga COVID data sa NCR Plus areas, posibleng hindi pa rin ito sapat upang ibaba sila sa Modified General Community Quarantine (MGCQ).


Tulad ng una nang sinabi ng Malakanyang, kung ibababa man ang quarantine classification ng NCR, ipabibilang lamang ito sa normal o ordinaryong GCQ.

Dagdag pa ng kalihim, mayroon ring mga Local Government Unit (LGU) ang umapela na higpitan pa ang kanilang community quarantine, at aaktuhan din ito ng IATF ngayong hapon.

Facebook Comments