Quarantine classification sa Disyembre, iaanunsyo ni Pangulong Duterte sa Lunes

Nakatakdang ianunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang magiging quarantine classification sa buwan ng Disyembre sa Lunes, Nov. 30, 2020.

Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, may magaganap na pulong ngayong araw ang Inter-Agency Task Force (IATF) at inaasahang isasapinal dito ang rekomendasyon para sa susunod na quarantine classifications.

Sa ngayon, nakikita naman aniya na may pagbaba sa mga naitatalang kaso ng COVID-19 at umaasang maipagpapatuloy ang ganitong trend.


Samantala, sinabi naman ni National Action Plan Chief Implementer at Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez, na base sa napagkasunduan ng Metro Manila mayors ay papanatilihin ang General Community Quarantine (GCQ) status sa National Capital Region (NCR).

Kung ilalagay man sa Modified General Community Quarantine (MGCQ) status ang Metro Manila at iba pang lugar sa bansa ay mangyayari na ito sa susunod na taon o pagkatapos na ng holiday season.

Paliwanag ni Galvez, nag-iingat pa rin kasi ang mga local chief executives upang maiwasang sumirit ang kaso ng COVID-19 sa kanilang nasasakupan.

Facebook Comments