Mayroon ng rekomendasyon ang Inter-Agency Task Force (IATF) sa magiging quarantine classifications ng Metro Manila at ibang lugar sa bansa.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, iaanunsyo ito ni Pangulong Rodrigo Duterte bago o mismong sa June 29, 2020.
Aniya, naipaalam na rin sa Local Government Units (LGUs) kung anong quarantine restrictions ang iiral sa kanilang mga nasasakupan pagkatapos ng June 30, 2020.
Matatandaang isinailalim sa General Community Quarantine (GCQ) ng IATF ang Metro Manila at ilan pang mga lugar sa bansa hanggang sa June 30, 2020.
Habang ang Cebu City ay ibinalik sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) at ang Talisay City ay nasa Modified ECQ dahil sa mataas na COVID-19 cases.
Facebook Comments