Quarantine classification sa NCR, handa na – Roque

Handa na ang rekomendasyon ng pandemic task force hinggil sa magiging quarantine classification ng Metro Manila hanggang sa katapusan ng Mayo.

Nabatid na hinintay ng pamahalaan ang apela ng ilang local chief executives para sa kanilang quarantine status.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, magpupulong ang Inter-Agency Task Force (IATF) para pag-usapan ang mga apela.


Ang pagluluwag ng restrictions ay nakadepende sa COVID-19 data.

Sa ngayon, patuloy na binabantayan ng pamahalaan ang bilang ng COVID-19 cases sa NCR lalo na at nakikitaan ng Department of Health (DOH) ng pagtaas ng kaso sa Makati, Malabon, Mandaluyong, Manila, Muntinlupa, Navotas, at San Juan.

Facebook Comments