Inanunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte na mananatili sa enhanced community quarantine (ECQ) ang National Capital Region (NCR) plus bubble.
Sa kanyang Talk to the Nation Address, sinabi ni Pangulong Duterte na iiral ang ECQ sa Metro Manila, Bulacan, Rizal, Cavite at Laguna hanggang April 4.
Inilagay naman ng pamahalaan sa Modified ECQ ang Santiago City, Isabela mula April 1 hanggang April 30, 2021 at ang Quirino Province mula April 1 hanggang 15, 2021.
Isinailalim naman sa General Community Quarantine (GCQ) para sa buong buwan ng Abril ang Cordillera Administrative Region, Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya, at Batangas.
Sakop din ng GCQ ang Tacloban City, Iligan City, Davao City at Lanao del Sur.
Ang natitirang bahagi ng bansa ay nasa ilalim ng Modified GCQ mula April 1 hanggang 30.
Inaprubahan ni Pangulong Duterte ang rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) bunga ng tumataas na kaso ng COVID-19 sa bansa.