Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) na mananatili ang mga qurantine controlled points sa National Capital Region o NCR Plus para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.
Ayon PNP Chief PGen. Guillermo Eleazar, susundin pa rin nila ang mga guidelines ng Inter-Agency Task Force (IATF) kahit may mga pagbabago silang gawin pagdating sa border controls.
Aniya, mahigpit pa ring babantayan ng PNP ang mga non-essential travel mula sa mga lugar na nasa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ) with restrictions patungo sa mga lugar na nasa Modified GCQ.
Inatasan naman ni Eleazar ang mga pulis na huwag i-delay ang biyahe ng mga essential goods at magsagawa pa rin ng random inspection sa mga sasakyang daraan sa mga quarantine controlled points.
Facebook Comments