Quarantine days ng OFWs, posibleng madagdagan — OWWA

Inihayag ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na posibleng madagdagan ang quarantine days ng mga balikbayan na uuwi ng bansa kung papayagan ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang dagdag protocol.

Ayon kay Hans Leo Cacdac, Administrator ng OWWA, magiging pitong araw ang pagsasagawa ng RT-PCR test ng mga OFW mula sa dating anim na araw.

Kapag negatibo ang resulta, mananatili pa rin sa facility ang mga balikbayan hanggang sa ikasampung araw.


Napag-usapan na rin ng Department of Labor and Employment (DOLE) at Department of Budget and Management (DBM) ang dagdag pondo ng mga balikbayan ngunit dagdag pa ni Cacdac, ay sapat pa rin ito hanggang sa katapusan ng taon.

Sakaling aprubahan ng Department of Health ang dagdag pondo, muling mananawagan ang OWWA kaugnay rito.

Facebook Comments