Quarantine facilities para sa OFWs na uuwi sa bansa, nasa critical level na – OWWA

Nasa critical level na ang mga quarantine facility para sa mga Overseas Filipino Worker (OFW) na uuwi ng Pilipinas para magdiwang ng Pasko at Bagong Taon.

Sa datos ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), nasa 12,500 na ang OFWs na nasa 200 quarantine facilities.

Inaasahan din na aabot sa 50,000 hanggang 60,000 ang uuwi pang OFWs bago matapos ang taon.


Dagdag pa ng OWWA na ginagamit na rin ang ilang mga five-star hotel sa CALABARZON bilang quarantine facility.

Samantala, sinabi naman ni OWWA Administrator Hans Leo Cacdac na imumungkahi niya sa Inter-Agency Task Force Against COVID-19 (IATF) na paikliin ang quarantine levels sa mga fully-vaccinated at negatibo sa RT-PCR test.

Facebook Comments