Pinag-aaralan ng pamahalaan na i-convert ang mga quarantine facility bilang COVID-19 vaccination centers kasabay ng paglulunsad ng vaccine rollout.
Ayon kay National Task Force against COVID-19 Deputy Chief Implementer at Testing Czar Vince Dizon, kasalukuyan silang nakikipag-ugnayan sa Department of Public Works and Highways (DPWH) at Local Government Units (LGU) para sa conversion ng quarantine facilities.
Pero nilinaw ni Dizon na kailangan pa ring bantayan ang bilang ng kaso ng COVID-19 dahil malaki ang gagawing paghahanda bago i-convert ang mga pasilidad.
Kapag natapos ang pandemya, ang mga itinayong quarantine facility ay pwedeng gamiting evacuation centers.
Pagtitiyak din ni Dizon na may sapat na hiringilya ang bansa para sa pagdating ng 1.5 million doses ng Sinovac vaccines at AstraZeneca vaccines mula sa COVAX Facility.