Quarantine facilities sa NCR, higit 60% nang okupado – DPWH

Nasa 64.48 percent nang okupado ang mga kama sa quarantine facilities sa Metro Manila.

Ito ay sa gitna pa rin ng tumataas na kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ayon kay Department of Public Works and Highways (DPWH) at Isolation Czar Secretary Mark Villar, sapat ang COVID-19 isolation beds sa buong bansa na halos 20,000 lamang mula sa 132,000 kabuuang available isolation beds ang ginagamit na temporary treatment and monitoring facilities sa buong bansa.


Sa bilang na ito, nasa 3,708 beds mula sa 5,751 kama sa Metro Manila ang okupado kaya’t ginagawa nila ang lahat para mapabilis ang iba pang itinatayong quarantine facilities lalo na yung mga nasa ‘NCR Plus’ bubble.

Kabilang sa mega temporary treatment and monitoring facilities na mayroong mataas na bilang ng mga okupado ng COVID-19 patients ang PICC quarantine facility na may 223 mula sa 263 beds ang okupado; Ultra stadium na 95 ang okupado mula sa 132 beds; at Filinvest tent na 74 ang okupad mula sa 108 beds.

Facebook Comments