Quarantine facility ng PCG sa Coast Guard Base sa Taguig City, pormal nang binuksan

Pormal nang binuksan ng Philippine Coast Guard ang PCG Quarantine Facility nito sa Coast Guard Base sa Taguig City.

Kasabay ito ng pagdidiriwang ng ika-119th anibersaryo ng PCG.

Inihayag ng PCG na malaking tulong ang operasyon ng nasabing pasilidad para sa PCG frontline personnel na patuloy na sumasabak sa giyera laban sa COVID-19.


Kinumpirma ng Philippine Coast Guard na magagandang kalidad ng container vans ang ginamit sa konstruksyon ng 224-bed capacity isolation area para sa PCG frontliners.

Ang nasabing quarantine facility ay may sewerage, electrical at air conditioning systems, at leisure area o libangan.

Mayroon din itong medical station na may storage ng Personal Protective Equipment (PPE) sets, medical supplies at mga gamot.

Bukod pa sa 26-bed capacity accommodation para sa PCG nurses at health workers.

Ang P35 million na pondong ginamit sa construction ng PCG Quarantine Facility ay mula sa 2020 Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE) budget ng PCG at sa financial aid ng Department of Budget and Management (DBM).

Facebook Comments