Kinumpirma ng Philippine Coast Guard na 99% nang kumpleto ang PCG Quarantine Facility sa Coast Guard Base sa Taguig City.
Ayon sa Coast Guard, inaasahan na matatapos ang proyekto sa susunod na linggo, kasabay ng pagdidiriwang ng ika-119th anibersaryo ng PCG.
Inihayag ng PCG na malaking tulong ang operasyon ng nasabing pasilidad para sa mga PCG frontline personnel na patuloy na sumasabak sa giyera laban sa COVID-19.
Sa pinakahuling ulat ng Coast Guard Medical Service, 85 na PCG personnel pa ang patuloy na nagpapagaling laban sa virus.
Samantala, 21 naman ang naitalang kaso ng reinfection kung saan 16 sa kanila ang matagumpay na naka-recover sa ikalawa at ikatlong kaso ng reinfection.
Facebook Comments