Quarantine fatigue, isa sa dahilan ng paglobo ng COVID-19 cases – DOH

Nakikita ng Department of Health (DOH) na ang quarantine fatigue ay isa sa dahilan ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa.

Paliwanag ni Duque, ang surge ng COVID-19 cases ay bunga ng iba’t ibang factors.

Kabilang na aniya rito ang quarantine fatigue o ang pagkapagod ng mga tao sa pagsunod sa minimum health standards.


Buko dito, sinabi rin ni Duque na tumataas ang kaso dahil sa pag-usbong ng mga bagong variants, pagluluwag ng quarantine restrictions, pagbubukas ng ekonomiya.

Ang mga nabanggit na factors ang magpapataas sa transmission rate, contact rate at infection duration.

Kaya paalala ng kalihim sa publiko na manatiling sumunod sa health protocols dahil ito ang natatanging proteksyon nila mula sa sakit.

Dapat din aniyang maghigpit ang mga Local Government Unit (LGU) sa pagpapatupad ng localized lockdowns.

Facebook Comments