Quarantine hotels, hindi maaaring tumanggap ng staycation guests – DOT

Nagpaalala ang Department of Tourism (DOT) sa mga accredited hotels na kasalukuyang ginagamit bilang quarantine hotels na iwasang tumanggap ng mga bisitang staycation lamang ang pakay.

Ito ang pahayag ng ahensya kasunod ng mga ulat na may ilang quarantine hotels na tumatanggap ng leisure guests.

Ayon kay Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat, mayroong patakarang kailangang sundin na bawal gamitin para sa staycation ang mga quarantine hotels.


Nanawagan ang kalihim sa mga may-ari at operator ng mga accommodation establishments na maghigpit sa mga patakaran.

Binigyang diin ni Puyat na sinisikap ng gobyerno na maibalik ang sigla ng mga negosyo para mga manggagawang nakadepende sa turismo.

Nagpadala na ng sulat ang DOT sa mga hotels at pinaaalahanan ang mga ito na sundin ang guidelines.

Pinagpapaliwanag din ng ahensya ang mga hotels na lumabag sa panuntunan.

Facebook Comments