Quarantine measures, maaari muling higpitan sakaling patuloy ang pagtaas ng COVID-19 cases – DOH

Posibleng magpatupad muli ng mahigpit na community quarantine measures kapag patuloy ang pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Ito ay matapos maitala ng Department of Health (DOH) ang lagpas 50,000 kaso ng COVID-19 sa buong bansa.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang sub-technical working group sa data analytics ay nagprisenta na ng mga datos pero sinisilip pa ng mga opisyal ang mga numero kung mayroong trend sa pagtaas ng bilang ng kaso.


Aniya, kailangan ding tutukan ang case doubling time, critical care utilization at maging ang mortality.

Ang resulta ng pag-aaral ng sub-technical working group ay posibleng ilabas sa susunod na linggo.

Ang Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) ay ikinokonsidera ang health, security, economic at social indicators bago magpasya hinggil sa community quarantine levels.

Muling paalala ng DOH sa mga lokal na pamahalaan na palakasin ang pagpapatupad ng health protocols tulad ng paghuhugas ng kamay, pagsusuot ng face masks, at physical distancing.

Facebook Comments