Quarantine pass system at liquor ban, ipapatupad kasabay ng ECQ sa NCR

Kinumpirma ng Department of the Interior and Local Government (dilg) ang muling pagpapairal ng ‘quarantine pass system’ oras na isailalim na ang Metro Manila sa enhanced community quarantine (ECQ) simula August 6 hanggang 20.

Sa Laging Handa press briefing, sinabi ni DILG Usec. Jonathan Malaya na ang paggamit ng quarantine pass ay para sa tuloy-tuloy na pagbabakuna kahit ECQ.

Gagamitin din ito sa pagbili ng essential goods ng kada miyembro ng pamilya.


Bukod dito, muli ring ipapatupad ang liquor ban.

Maglalabas ng pormal na anunsyo ukol dito ang Metro Manila Council.

Facebook Comments