Quarantine period ng mga balikbayan, posibleng bawasan ayon sa DOT

Posibleng mabawasan pa ang quarantine period ng mga balikbayang Pilipino sa bansa na nabakunahan na kontra COVID-19.

Ayon kay Department of Tourism (DOT) Secretary Bernadette Romulo-Puyat, mula sa dating 10 araw na kailangang manatili sa quarantine at apat na araw na home quarantine, magiging pitong araw na lamang ito tulad ng ginagawa sa Thailand.

Iniakyat naman ang panukala sa Inter-Agency Task Force (IATF) kung saan pag-uusapan ito ng Department of Health (DOH), Department of Foreign Affairs (DFA) at ng iba pang ahensya.


Hindi naman nililimitahan ng DOT sa panukala nito kung anong vaccine brand ang ginamit ng mga balikbayang Pilipino.

Facebook Comments