Quarantine procedures para sa 42,000 OFWs na darating sa bansa, pagbubutihin ayon sa NTF Chief Implementer

Pabibilisin na ng pamahalaan ang quarantine procedures para sa 42,000 Overseas Filipino Workers (OFWs) na uuwi sa bansa ngayong buwan.

Ayon kay National Task Force (NTF) Against COVID-19 Chief Implementer Carlito Galvez Jr., layunin nitong maiwasan ang isolation facilities sa Metro Manila.

Gagamit sila ng electronic systems para maiproseso ang repatriation ng mga OFW mula abroad.


Ang mga returning OFW ay mananatili sa Manila o sa mga paliparan sa loob ng limang araw bago i-uwi sa kanilang home provinces.

Facebook Comments