ng gobyerno ang quarantine period ng mga close contacts ng COVID-19 patients.
Mula sa dating 10 araw, pitong araw na lamang ang quarantine period ng mga nakasalamuha ng taong may COVID-19 basta sila ay fully vaccinated at asymptomatic.
Kung kailangan ng swab test, ang mga fully vaccinated individuals ay maaaring magpa-test limang araw pagkatapos ng petsa ng huling exposure nila sa virus.
Hindi rin imamandato ang testing at quarantine sa mga close contact na natukoy ng lampas sa ika-pitong araw mula sa huling exposure nila at sa mga nananatiling asymptomatic.
Pero kung makaranas ng sintomas, maaari pa rin silang isalang sa testing at isolation protocols.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang isang tao ay ikokonsiderang fully vaccinated kung siya ay naturukan na ng kumpletong two-dose COVID-19 vaccine o ng single-dose COVID-19 jab, dalawang linggo na ang nakalilipas o higit pa.
Sila ay dapat na naturukan ng mga bakunang nasa Emergency Use Authorization (EUA) List o may Compassionate Specil Permit mula sa Food and Drug Administration o sa Emergency Use Listing ng World Health Organization.