Quarantine restrictions, mananatili hanggang sa mabakunahan ang 50% ng populasyon – Lorenzana

Patuloy na magpapatupad ang pamahalaan ng quarantine restrictions sa harap ng COVID-19 pandemic.

Ito ay hanggang sa mabakunahan ang nasa 50-porsyento ng populasyon ng bansa.

Ayon kay National Task Force against COVID-19 Chairperson at Defense Secretary Delfin Lorenzana, hindi maaaring padalos-dalos sa pagluluwag o pagbawi ng restrictions lalo na at hindi pa naaabot ang herd immunity.


Pero nilinaw ni Lorenzana na ang quarantine restrictions ay hindi kasing higpit tulad noong nakaraang taon.

“Lahat kami sa IATF rin namin na matanggal na itong restrictions dahil nakikita natin ang paghihirap ng mga mamamayan. Kaya nga lang, dapat makinig tayo sa mga eksperto, sa mga doktor at experts, at alam nila ang characteristics ng virus na ito,” ani Lorenzana.

Iginiit ni Lorenzana na ang lahat ng polisiyang binubuo ng Inter-Agency Task Force (IATF) at ipinapatupad ng NTF ay batay sa siyensya at facts.

Facebook Comments