Iginiit ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) na kailangang magpatupad ng mahigpit na preventive measures sa mga eskwelahan bago payagan ang limitadong face-to-face interaction.
Ayon kay ACT Secretary General Raymond Basilio, mahalaga sa development ng mga bata ang socialization.
Binigyang diin pa ni Basilio, dapat maging basehan sa pagpapahintulot ng physical classes ang ipinatutupad ng mga eskwelahan na preventive measures laban sa COVID-19 at hindi ang quarantine status sa National Capital Region.
Ang quarantine classification ay isang biro lamang at ipinakikita ang pagiging desperado ng pamahalaan para maibsan ang epekto ng pandemya sa ekonomiya.
Nakukulangan din si Basilio sa minimum health standards na ipinatutupad ng DepEd.
Kailangang magkaroon ng pre-onsite reporting health screening sa mga empleyado.
Ang NCR ay nananatili sa General Community Quarantine (GCQ) hanggang October 31, na itinuturing na episentro ng COVID-19 outbreak sa bansa.