Naniniwala ang OCTA Research Group na maaari ng luwagan ang quarantine classification sa NCR Plus areas.
Sa interview ng DZXL RMN Manila, sinabi ni OCTA Research Fellow Prof. Guido David, bumaba na sa ‘moderate risk’ ang NCR Plus dahil sa patuloy na pagbaba ng mga bagong kaso ng COVID-19.
Aniya, mayroon na lang ding 17 percent weekly growth rate ang NCR Plus na indikasyon na nasa maayos ang sitwasyon.
Umaasa naman ang grupo na maabot na ng NCR Plus ang population protection kasabay ng inaasahang pagdagsa ng supply ng bakuna sa bansa.
Sa ngayon, ang NCR Plus na kinabibilangan ng Metro Manila, Rizal, Bulacan, Cavite, at Laguna ay nananatili sa ilalim ng GCQ with restrictions hanggang June 15.
Facebook Comments