Quarantine Status ng Tuguegarao City, Ibinaba na sa MECQ

50

Cauayan City, Isabela- Ibinaba na sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang quarantine status ng Tuguegarao City mula sa Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Magsisimula ang paglalagay sa MECQ sa Lungsod ng Tuguegarao bukas, Setyembre 13, 2021 na magtatagal hanggang Setyembre 22, 2021.

Ito ay matapos aprubahan ng Regional Inter-Agency Task Force on COVID-19 (RIATF) ang hiling ng lokal na pamahalaan sa kanilang isinagawang pagpupulong.


Batay sa pinakahuling ulat ng Tuguegarao City Information Office, bahagya nang bumaba sa 855 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa Lungsod.

Muli namang nagpaalala ang lokal na pamahalaan sa mga residente na panatilihin ang pagsunod sa mga umiiral na minimum health protocols gaya ng tamang pagsuot ng face masks at face shields, paghugas ng kamay, pag-obserba ng social distancing at pananatili sa loob ng bahay kung walang mahalagang pakay sa labas.

Facebook Comments