Tiniyak ng Department of Health (DOH) na walang magaganap na pagbabago sa General Community Quarantine (GCQ) sa Metro Manila, maliban na lamang kung sumipa ang COVID-19 cases.
Kasunod ito ng balitang magpapatupad ng mas mahigpit na COVID-19 lockdown ang gobyerno bago mag-Pasko.
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, walang katotohanan ang mga haka-haka na magpapatupad ng lockdown ang pamahalaan simula December 23 hanggang January 3, 2021.
Pero, hindi aniya isinasantabi ang posibilidad na irekomendang higpitan ang quarantine status kung mayroong pagsipa ng kaso ng sakit.
Mananatili sa (GCQ) ang Metro Manila hanggang December 31 kung saan hindi lahat ng negosyo ay pwedeng mag-operate sa full capacity.
Facebook Comments