Quarantine status sa NCR at kalapit na lalawigan, nakadepende sa mga datos – Roque

Wala pa ring makakapagsabi kung ano ang susunod na quarantine classification sa Metro Manila at mga kalapit na probinsya.

Nabatid na inirekomenda ng ilan na ilagay ang National Capital Region (NCR) at mga katabing probinsya sa General Community Quarantine (GCQ) hanggang Disyembre.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang criteria ay nakadepende sa itinakda ng pandemic task force ng pamahalaan.


Aniya, nakadepende pa rin sa datos ang magiging quarantine classifications sa Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna, at Rizal.

Pero hindi inaalis ni Roque ang posibilidad na mangyari ito.

“Wala pong crystal ball na makapagsasabi sa atin kung ano ang magiging kalagayan ng Metro Manila pagdating ng Disyembre,” ani Roque.

“Hindi rin po natin masisigurado na hindi makakapasok ang Delta variant at Lambda variant dito sa ating bayan,” anang Palace official.

Facebook Comments