Quarantine status sa NCR+, posibleng ibaba sa GCQ – Palasyo

Posibleng ibaba sa General Community Quarantine (GCQ) ang restrictions sa NCR Plus bubble pagkatapos ng Mayo 14.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, nasa moderate risk na lamang ang health care utilization sa Metro Manila habang parehas na bumababa ang attack rate at reproduction number.

Gayunman, ang huling desisyon pa rin aniya patungkol sa quarantine restrictions ay nasa kamay pa rin ng Inter-Agency Task Force (IATF).


“I will not second-guess the IATF but pursuant to the formula, it is possible. Again the final decision rests with the IATF,” saad ni Roque.

Sabi pa ni Roque, bago sumapit ang Mayo 15 ay iaanunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang bagong quarantine classifications sa bansa.

Facebook Comments