Nagpapatuloy ang pagtaas ng bilang ng mga quarantine violator sa bansa.
Ayon kay Joint Task Force (JTF) COVID Shield Commander Lt. General Guillermo Eleazar, umabot na sa 338,294 ang quarantine violators na kanilang naitala.
Naitala ang mga ito mula March 17, 2020 nang magsimula ang community quarantine hanggang August 22 o 159 days.
Ang mga violator ay binigyan ng warning, pinagmulta at ang iba naman ay sinampahan ng reklamong paglabag sa mga ordinansa.
Karamihan sa mga ginawang paglabag ng mga violators ay ang hindi pagsusuot ng face mask at walang social distancing.
Kabilang din dito ang ilang paglabag tulad ng pag-iinuman, pagdalo sa mga party at maging pagsusugal.
Batay pa sa datos, nangunguna ang Luzon sa bilang ng pinakamaraming quarantine violator, sinundan ng Visayas, at Mindanao.