Quarry operations sa Labangan, Mindanao, pinatitigil

Umapela ngayon ang Indigenous groups kabilang ang Subanen at Moro communities kay Governor Victor Yu na agad ipatigil ang quarry operations sa Labangan River.

Boluntaryong nagka isa ang nasabing grupo upang mag hain ng reklamo kay Governor Yu, Mayor Relacion at iba pang pribadong indibidwal at handa din na iparating ang kanilang hinaing sa mas nakakataas na opisyal ng bansa king hindi sila pakikinggan ng nasabing mga lokal na opisyal.

Ang Labangan River ay isang vital source ng mataas na kalidad na sand, gravel at pristine water mula sa kabundukan na siyang lifeline para sa mga residente ng mga aprktadong lugar.


Gayunman, dahil sa mahabang panahon at malawakang quarry activities ay malaking pinsala at epekto sa kabuhayan ng mamamayan sa limang barangay.

Ayon naman kay Braulio Anlimon, isa sa kanilang mga lider ay nagpahayag ng pagkabahala dahil sa pag abuso sa kanilang ancestral land at umabot na sa nakakaalarmang sitwasyon.

Umaasa ang nasabing katutubo na agad didinggin ang kanilang pangamba at hinaing sa kanilang lugar..

Facebook Comments