Nangangamba ngayon ang ilang magsasaka matapos mabunyag ang naging pagbabago sa quarrying site sa gitna ng palayan sa bayan ng Sta Maria Pangasinan.
Ang naturang epekto, ibinunyag ni Engr Rosendo So sa ekslusibong panayam nito sa IFM News Dagupan matapos nitong bisitahin ang nasabing lugar.
Ayon pa kay So, pinangangambahang makakaapekto ito sa kalidad ng mga produkto partikular ng talong at maging ng mga palay dahil sa posibleng pagpapalala nito sa pagbaha.
Inilarawan pa ni So, na tila pagmimina ang isinasagawa rito dahil sa lawak ng naging epekto.
Dahil dito, tinawagan na ng pansin ni So ang Department of Environment and Natural Resources upang maimbestigahan ang nasabing quarrying site.
Kung walang aksyon, iaakyat umano ito sa senado.
Samantala, napag-alamang wala raw itong permit mula sa bayan ng Sta Maria, ngunit naisyuhan umano ng katabing bayan.
Sa ngayon, tinutunton na ng IFM News Team ang mga may-ari ng naturang quarrying upang kunan ng pahayag.









