Inilunsad sa mga paaralan sa San Fernando City, La Union ang Online Examination bilang hakbang sa pagpapaunlad ng digital learning sa lungsod.
Sa dalawang araw na pagsusulit ng mga mag-aaral ngayong linggo, cellphone, tablet o computer ang kanilang gamit mula sa dating panulat at papel.
Layunin ng inisyatiba na yakapin ng mga mag-aaral ang digital learning at mabawasan ang paggamit ng papel sa mga pagsusulit.
Tanging mga mag-aaral sa ikaapat hanggang ika-anim na baitang ang sumailalim sa online examination na ginabayan naman ng mga guro.
Hindi naman naiwasan na may ilang mag-aaral ang walang gadget para rito ngunit pinahiram ng mga guro bukod pa sa kagamitan sa kanilang Computer Laboratory upang matiyak na sabay-sabay makapag-exam ang lahat.
Kaugnay nito, hinikayat ng Schools Division Office ang publiko na maging positibo sa kabutihang dulot ng online examination kasabay ng modernong panahon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









