Quarterfinals series sa PBA Commissioner’s Cup 2017, simula na mamaya

PBA – Isang matinding bakbakan ang mapapanood mamaya sa pagsisimula ng quarterfinals ng 2017 PBA Commissioner’s Cup sa Araneta Coliseum.

Alas-4:15 ng hapon, unang maghaharap ang sister team na TNT Katropa at Meralco Bolts sa best of three series kung saan nasa ika-apat na pwesto ng team standing ang TNT habang nasa pang-lima naman ang Meralco.

Susundan ito ng bakbakan sa game-1 sa pagitan ng star Hotshots at Rain Or Shine Elasto Painters sa best of three series din kung saan excited na sina Paul Lee at James Yap na makalaban ang dati nilang koponan.


Bukas naman ang laro ng Barangay Ginebra at Globalport Batang Pier pagkatapos ng laro ng San Miguel Beermen at Phoenix Fuel Masters kung saan hawak ng Ginebra at Beermen ang twice to beat advantage.
DZXL558

Facebook Comments