Quarterly na pagbibigay ng social pension sa mga senior citizen, pinagtibay sa Kamara

Inaprubahan na ng Kamara ang isang resolusyon na layong gawing “quarterly” ang pagbibigay ng buwanang ₱500.00 social pension sa mga senior citizen sa bansa.

Ito ay matapos na i-adopt ng mga kongresista ang House Resolution 2276 na humihimok sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) na ibigay ang nabanggit na social pension ng mga benepisyaryo sa kada tatlong buwan.

Sa kasalukuyan ang ipinaiiral na sistema ay “semestral schedule” o tuwing anim na buwan ang pagbibigay ng social pension na ayon sa mga mambabatas ay masyadong matagal lalo’t maraming senior citizens ang apektado pa rin ng COVID-19 pandemic.


Dahil apektado ang ilang pamilya ng mga dependent na matatanda at matagal pa bago makuha ang social pension, ang mga senior citizen ay nahirapan sa pagbili ng mga kinakailangang gamot, pagkain at iba pa.

Kaya naman bilang suporta sa mga senior citizen ay agad na pinakikilos ang DSWD na agarang maibigay ang pera at matulungan ang ating mga nakatatandang pensyonado.

Facebook Comments