Nagluluksa ang buong mundo sa pagpanaw ng longest-reigning monarch sa kasaysayan ng Britanya na si Queen Elizabeth II.
Batay sa ibinahaging impormasyon ng The Royal Family dakong 6:30pm oras sa London, 1:30am sa Pilipinas., ito ay namayapa sa Balmoral sa edad na 96.
Nakatakda namang ianunsyo ang detalye para sa state funeral ng namapayapang monarch sa lalong madaling panahon matapos itong pormal na palitan ng susunod sa trono na si Prince Charles of Wales.
Mababatid na naupo si Queen Elizabeth II sa trono sa edad na 25 at matagumpay nitong napamunuan ang monarkiya sa Britanya sa loob ng pitong dekada.
Facebook Comments