Queen of all media Kris Aquino, kinailangang mag-stay sa tabing dagat ng Singapore para mawala ang allergens

 

Kapansin pansin ang bihirang pagpost ni Queen of all media Kris Aquino sa kanyang social media account matapos siyang kuhanan ng 40 vials na dugo para sa kanyang medical test.

 

Dahil sa dami ng dugong kinuha kay Kris kinailangan niyang mag-stay sa isang hotel malapit sa tabing dagat para makalanghap ng sariwang hangin.

 

Say ni Kris, malaking tulong sakanya ang hangin na nanggagaling sa dagat para maitaboy ang lahat ng kanyang allergens.


 

Ang allergens ay nakukuha sa kinakain at nalalanghap ng tao,

madalas din itong nakukuha sa alikabok at balakubak na galing sa alagang hayop maging sa dumi na nakukuha sa mga gamit.

 

Nag aalala na din daw ang kanyang mga kapatid sa sobrang radiation na naaabsorb ng kanyang katawan.

 

Nagpasalamat naman si Kris sa mga nagbigay ng concern at nag-alala sa kanyang kalagayan.

 

 

Facebook Comments