Queen of Kundiman na si Sylvia La Torre Perez de Tagle, pumanaw na

Pumanaw na ang tinaguriang the Queen of Kundiman na si Sylvia La Torre Perez de Tagle.

Ayon sa pamilya nito, payapang sumakabilang buhay ang 89 years old singer kahapon ng 7:02 ng umaga kung saan naroon ang kanyang asawa na si Dr. Celso Perez de Tagle at mga anak.

Si La Torre ay kilala sa kanyang musika at tinawag na Queen of Kundiman dahil sa smooth-flowing genre ng pagkanta nito ng mga traditional Filipino love songs.


Kabila sa mga kinanta nito ay ang sikat na “Maalala Mo Kaya,” “Sa Kabukiran,” “Paskong Anong Saya,” at “Waray-Waray”.

Tinawag din siya bilang First Lady of Philippine Television.

Facebook Comments