‘QUESTION HOUR’ | Hiling ni Sec. Diokno, hindi pinagbigyan ng Kamara

Manila, Philippines – Hindi pinagbigyan ng Kamara ang hiling ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Benjamin Diokno na ‘indefinite postponement’ sa nakatakdang pagsalang nito sa ‘question hour’ ngayong araw.

Inabisuhan na ni House Majority Leader, Camarines Sur Representative Rolando Andaya Jr. si Diokno at iginiit ang kahalagahan ng agarang pagsasagawa ng proceedings na ito.

Ang oras lamang na ilalaan sa question hour ay higit isang oras lamang.


Tutol din si House Minority Leader, Quezon Representative Danilo Suarez na ipagpaliban pa ang proceeding.

Sa ilalim ng question hour, tatanungin si Diokno hinggil sa mga kontrobersiya na nakadikit sa ₱3.757 trillion proposed national budget.

Pagpapaliwanagin si Diokno na ₱52 billion allocation na isiningit sa iba’t-ibang congressional districts.

Facebook Comments