Queueing sa immigration, nagsimula na; mga pasaherong dagsa sa NAIA, manageable pa naman —MIAA

Nagsisimula na ang queueing o paghaba ng pila sa immigration counter para sa mga kababayan nating aalis ng bansa ngayong Undas.

Ayon kay Manila International Airport Authority (MIAA) Spokesperson Atty. Chris Bendijo, partikular ang queueing dito sa immigration sa Terminal 3 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) habang hindi ganoon karami sa T1 at T2.

Sinabi ni Bendijo na sa ngayon ay manageable pa naman ang pila ng mga pasahero sa immigration at nag-deploy ng sapat na staff sa bawat immigration counter.


Kapag aniya nagkakaroon ng available na linya ay pinalilipat agad ng counter ang mga pasahero para maiproseso agad ang kanilang byahe.

Mas marami rin aniya ngayon ang mga pasahero sa international flights kumpara sa domestic flights.

Sa tantya rin ni Bendijo, posibleng umabot sa 130,000 ang passenger mark ngayong araw kaya naman pinapayuhan ang mga pasahero na pumunta nang mas maaga sa airport upang ma-accommodate at maproseso nang tama ang biyahe at hindi mahuli sa kanilang mga flight dahil sa paghaba na rin ng pila.

Facebook Comments