Quezon City, bawal nang gumamit ng paputok!

Quezon City – Posibleng maging tahimik na ang darating na selebrasyon sa pagsalubong ng Bagong Taon sa Quezon City.

Dahil mawawala na ang mga paputok matapos ipasa ng konseho ang pagbabawal sa paggamit nito kung saan aprubado na ni Quezon City Mayor Herbert Bautista ang panukala noong Oktubre 13.

Target ng ordinansa na maiwasan na ang mga nasusugatan o kaya’y nasasawi dahil sa paputok, makabawas ng polusyon at mawala na din ang sangkaterbang kalat matapos ang selebrasyon.


Ipagbabawal sa buong lungsod ang paggamit ng firecrackers sa mga pampublikong lugar gaya ng mga lansangan, alleys o eskinita, at maging sa mga plaza, basketball court, parke, at mga kahalintulad na lugar.

Magbabayad ng P5,000 multa at maaaring makulong ng isang taon ang mga lalabag sa ordinansa.

Facebook Comments