Naitala sa limang lugar sa bansa ang may pinakamataas na bilang ng bagong kaso ng COVID-19.
Sa datos ng Department of Health (DOH), nangunguna sa listahan ang Quezon City na may 130 na bagong kaso, kasunod ang Bulacan na may 122, Davao City na nasa 99, Rizal Province na may 78, at Leyte na mayroong 63 bagong kaso.
Iniulat din ng DOH na 15 laboratoryo ang hindi nakapagsumite ng kanilang datos sa COVID-19 Data Repository System (CDRS) noong December 24.
Sa kabuuan, umabot na sa 467,601 ang kaso ng COVID-19 sa buong bansa kung saan 27,748 ang active cases o mga sumasailalim sa treatment o naka-quarantine.
Aabot naman sa 430,791 ang bilang ng mga pasyenteng gumaling sa sakit habang pumalo na sa 9,055 ang namatay.
Facebook Comments